MLFTS Indonesian Drama

Found on Google


Nakatakdang gumawa ng hakbang ang nagmamay-ari ng publication rights ng Korean TV series na Man From The Stars laban sa producers ng Indonesian series na Kau Yang Berasal Dari Bintang.
Ayon sa report ng ohkpop.com, hindi kumuha ng legal acquiring rights ang Indonesian TV network na RCTI upang gumawa ng sarili nilang berisyon ng Man From The Stars.
Ang Man From The Stars ay kasalukuyang ipinapalabas dito sa Pilipinas, via GMA Network, at may titulong My Love From The Star. Naka-dub ito sa Tagalog.
Tampok dito ang Korean stars na sina Kim Soo Hyun at Jun Ji Hyun.
Bida naman sa Kau Yang Berasal Dari Bintang ang Indonesian stars na sina Morgan Oey at Nikita Willy.
Ayon sa SBS Contents Hub, na responsible sa publication rights ng Man From The Stars, “The drama has not been made after acquiring the legal publishing rights. It can be considered to be a plagiarized version.”
Tinutuligsa ngayon ang Kau Yang Berasal Dari Bintang dahil sa malaking pagkakahawig nito sa Man From The Stars.
Ayon sa isang Chinese media outlet, ang setting at istorya ng Indonesian series ay halos parehong-pareho sa Man From The Stars.
Ipinalabas ang unang episode ng Kau Yang Berasal Dari Bintang noong April 28, Lunes, sa RCTI.
Ayon pa sa SBS, “We are currently in talks with another Indonesian company regarding the official publishing rights, but this drama has begun airing. We are looking for a way to take action against the drama.”







No comments:

Post a Comment

Most Popular